KULANG SA PANSIN. :)
marami sa atin ang ganito.
hindi man natin alam
hindi man natin aminin
pero 'yon ang totoo..
tulad ko, salat sa pansin..
kaya naman laging gumagawa ng paraan mapansin lang.
masakit ung pakiramdam na,
andyan ka lang sa malapit.
pero parang ang layo-layo mo.
andyan lang sila,
pero parang wala silang nakikita..
nagsasalita ka na parang hangin na dumadaan lang.
nagsasalita ka na parang hangin na dumadaan lang.
kung minsan pa,
daig pa nila ang pipi't bingi.
ang pipi kapag kinausap mo,
gagamit ng sign language.
ang bingi pag kinausap mo,
hindi ka man marinig,
pilit ka niyang iintindihin.
eh ang walang kapansanan?
naiintindihan ka ba?
o mas magandang sabihing,
iniitindi ka ba?
masakit isipin,
na kung sino pa ang inaasahan mong makapansin sa'yo
siya pang manhid sa nararamdaman mo
at kung sino pang hindi ka maintindihan
ang siya pang pilit kang iintindihin
minsan, sa buhay
hindi mo alam kung sino ang talagang
may pakialam sa'yo.
kung sino ang andyan kapag nasa ibaba ka na.
kung sino ang papansin sayo
kahit walang wala ka.
kung sino ang papansin sayo kapag may kaylangan lang.
at kung sino ang papansin sayo
dahil MALAGA KA.
at kung sino ang papansin sayo
dahil MALAGA KA.
IKAW?
napapansin mo ba ang mga pangyayaring ito?
alam mo ba kung sino angtunay na nagpapahalaga sa'yo??o isa sa mga taong KSP kung tawagin?
alam mo ba kung sino angtunay na nagpapahalaga sa'yo??o isa sa mga taong KSP kung tawagin?